Wednesday, January 15, 2014

D'Bone Collector Museum (Group 2 Project.G7 Hope)

       Ang D'Bone Collector Museum ay isa sa mga kilalang tourist spot sa Davao City. Ito ang nagiisang museo ng mga buto at fossil ng mga hayop sa buong Mindanao. Ito ang nag-iisang D'Bone Museum sa buong bansa. Nakapaloob dito ang mahigit dalawang daang mga buto ng ibat-ibang hayop na nakatira sa kapatagan, ilog, dagat, coral reefs, karagatan at iba pang mga ekosistema. Kabilang sa mga buto at fossil ng mga hayop na ito ay ang buto ng dalawang mailap na Sperm Whales.    

      Si Darrell D. Blatchley ang mayari ng D'Bone Museum. Noong January 2012 lang niya opisyal na binuksan bilang atraksyon sa publiko ang museo. Pangarap niya daw noon pa noong bata pa siya na magkolekta ng mga buto ng hayop at gawing atraksiyon para ipaalam sa ibang tao na dapat nating pangalagaan ang mga hayop at ang kalikasan bago pa ito tuluyang maubos. Ang mga buto ay kinolekta niya mismo, ang iba ay ibinigay ng mga kaibigan niya,ang iba ay galing sa mga organisasyon at ang iba ay galing sa Canada, Russia, Indonesia, Thailand at sa Pilipinas.

Ang mga ito ay ang ibang mga buto ng hayop na makikita sa D'Bone Museum:
    
    

Yellow-Ribboned Sweetlips


Whale


Ibat-ibang skull ng hayop


False Killer Whale


Dugong


Jungle Animals


Giant Trevally


Longface Emperor


Knotted Parrotfish


Needle Fish


Norway Rat


Steephead Parrotfish


Toothed Sperm Whale


Tetra Batfish



Pacific Pomfret